Lahat ng mabababasa ay tanging experto lang ang gumagawa

Lahat ng mabababasa ay tanging experto lang ang gumagawa

Sunday, February 20, 2011

Ttalambuhay Ni Ma.Rissa Andrada



Talambuhay Ni Ma. Rissa Andrada

Dalawang araw bago magdiwang ang araw ng kagitingan ika-siyam ng Abril ng aking kapanganakan, ako’y isinilang sa Poblacion, Sto. Tomas Batangas sa pagitan ng ikapito hanggang ikasampu ng umaga. Nang matapos ako isilang tuwang-tuwa ang aking mga magulang sapagkat ako ang kanilang kauna-unahang anak na babae dahil sa kanilang katuwaan para sa akin pinagsama ng aking magulang ang kanilang pangalan Ricky at Ma. Theresa. Para naman sa aking ama kinuha mula rito ang kanyang “Ri” at para naman sa aking ina ay “Sa”, kaya ng araw na iyon Abril 7, 1995 may kaisa-isang anak sila na nagngangalang Ma. Rissa T. Andrada.

Sa lugar ng Makiling, Calamba Laguna kami nakatira makaraan ang taong 1996 ipinanganak ang aking kapatid at sa taon naman 1998, ipinanganak ang kapatid kong bunso. Lima kaming magkakapatid. Panganay si Julius, sumunod ay si Jeric, ako, Rikki mae, at si Ricca. Ang akingama ay isang Security guard kahit saan mang lugar siya ma-asign gagawin niya pa rin ito kahit mapalayo sa amin para lang may ipantustos sa amin. Ang aking ina naman ay isang taong bahay para lang may magbantay sa amin. Kaya mahal na mahal ko ang aking magulang.
mga kapatid ko yan ako si mae,rica,at yung mga nakatayo mga kuya ko

Musmos pa lamang ako, apat na taon ako ng ipasok ng aking ina sa kinder bilang “saling pusa” upang maaga pa lamang ay may matutunan n ako. Ang mga kuya ko minsan ang nagbabantay sa akin.

Nang maglimang taon ako lumipat kami ng bahay sa San Pablo City, Laguna. Dito kami tumira ng aking mga magulang at mjga kapatid. Sa unang pagtuloy naming hindi pa kami sana’y dahil gubatan, hindi tulad sa Calamba na madumi ang polusyon. Nanibago kami pero hindi nagtagal nasanay na rin kami.
nung grade 1 ako 1st runner up nga ko eh



 Anim na taon naman akong pinag-aralan ng aking mga magulang sa unang baitang. Ang sarap sa pakiramdam kasi hatid sundo pa ako kang tawagin ay “baby girl”, Samantalang ang aking kapatid ay kinder. Hindi na ako pinagkinder ng aking ina diniretso na ako sa unang baiting sapagkat marami na daw akong kaalaman. Hindi naman mahirap mag-aral. Nang sa buwan naman njg nutrisyon isinali ako ng aking mga guro sa mga kandidata para sa paaralan naming bilang representatib ng aming seksyon pero hindi naman masama ako ang itinanghal na 1st Runner Up.

Ang hindi ko makakalimutan ng ako’y nasa unag baitang ay yung napaihi ako sa aking palda, pero wala naming nakakita sa akin kaya umuwi kaagad ako.

Nang matapos ako sa unang baitang nasa ikalawang baiting na ako sa gulang na pito. Dito ako nagkaroon ng 1st crush kahit nasa murang isipan pa ako. Ang nagging guro ko n gang pinakaayaw ko sapagkat nung lunes, siya’y namamalo ng kamay para sa may mahahabang kuko. Dito ako nagsimulang tumingin ng tamang oras.

Nang nasa ikatlong baiting ako, dito ako natutong magtimes at magdibisyon. Ang naging guro ko sa baiting na ito ay mataray pero maganda. Ditto ako nagkaroon ng maraming kaibigan nandiyan na ang mga damayan at mga tawanan. Nasa ikaapat naman ako, wala ibang ginwa ang titser nmin sa EPP, kung di magpasulat ng magpasulat. Minsan nagpapalit kami ng mga kaibigan ko ng kwaderno upang magsulat.

Matapos ang ikaapat na baiting, sumapit ang kinatatakutan ko ang ikalimang baiting sapagkat akala ko mahirap ang pag-aaralan pero hindidun ako nagkamali sapagkat itong taong ito ang di ko makakalimutan sa buhayko. Sapagkat pagsapit ng tanghali nandiyan na ang mga lakwatsahan sa mga bajhay ng aking mga kaklase, nandito na yung mga tawanan. Lalong-lalo di ko makakalimutan ang salitang “uy pagaya wala akon assignment” pag narinig na naming ang salitang ito bilisan na kasi magta-time na kami.

Sa lahat ng pinagdaraanan ko ito ang pinaka-hinihintay ko sa buhay ko ang ikaanim na baiting. Nandito na ang masayang samahan. Itong taon ang masaya ng bata pa ako sapagkat may nagging crush ako pero di ko inaasahan na crush niya rin ako. Pero ang pinakamasakit sa akin mas mahal niya nman ang aking kaibigan kahit nagseselos ako di ko na lang pinapansin. Dito ako nakatanggap ng napakaraming sulat mula sa aking mag mahal na kaibigan na tinatago ko hanggang ngayon. Hindi ko sila makakalimutan nang papalapit na pnakmasayang araw na malungkot ay ang pag graduate na rin sapagkat magkakalayu-layo na kami. Itinanghal akong “most industrious” kahit papaano nakatanggap ako ng award ng araw ng graduation naming. Kaming magkakaibigan ay malungkot pero dinaan na lang naming sa picture taking upang maibsan ang aming kalungkutan.

Nang nasa unang sekondarya ako sa gulang kong labindalawang taon. Hindi ko makakalimutan ang nangyari sa akinng pasukan sapagkat iniwan ako ng aking kuya ng dahil dito di ako nakapasok sa unang araw ng pasukan. Hindi ko alam ang gagawin ko kasi unang tapak ko pa lang nun sa Dizon High. Buti na lang mabait ang diyos sapagkat ako’y nahihiya sa  dahilang ako’y nahuli sa klase. Nang ikatlong araw na sa wakes ako’y nakapasok na.sa dahilang kabaitan na nagiging kaklase ko. Ang nagging seksyon ko ay sa antas ng “B”. Napakamahiyain ko nito, hindi man lang ako kumikibo sa aking mga kaklase pero di nagtagal nagkakilanlan kaming ng husay. Nang makalipas ang ilang buwan ditto ko na nakilala ang mga naging kaibigan ko sina Melanie Quino, Sushmita Gap, at Pouline Ramirez. Naging Masaya lagi an gaming samahan sa tuwing  sasapit an gaming periodical test kami’y naggagala sila’y pumunta sa aming bahay naligo sila sa bunot lake ang saya saya naming ng araw na iyon . haggang sa naghapon wala pa ring humpay an gaming kasiyahan.

Nagng sa buwan ng marso namatay ang itinuturing kong lolo-lolohan sa dahilang siya’y nastroke labis ang kalungkutan ko nito dahil napamahal na siya sa akin.

Nang ako’y nasa ikalawang baitang ng sekondarya, napahiwalay na an gaming isang kaibigan kasi napababa ang kanyang antas. Pero di nagging hadlang iyon upang mawasak an gaming pagkakaibigan nagging Masaya pa rin kami. Marami akong nagging mga bagong kaklase, Masaya pa rin an gaming pamilya walang nangyayaring hindi msaya. Tuwang tuwa ang mga magulang ko sapagkat makakatapos na rin ang aking kuya.

Dumating ang ikatlong sekondarya ko nagging Masaya ako sapagkat nandiyan na an gaming kulitan ng mga kaklase ko. Napakasay pala maransan ang high school life. Napakarami kong mga memorable ng di ko makakalimutan. Pero nang sumapit ang styembre 3, 2009 naging malungkot ako at ang aking mga kapatid kasi namatay ang pinakmabait kong lola. Ang aga naming gumising alas kwatro siya namatay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak naaalala ko ang mga masasayang araw naming kasama ang aking lola. Isang linggong nkaburol ang aking lola nang ilibing ang aking lola halos gusto ng mawala ng lakas ng loob ang aking mama.
ako yan nung 3rd year ako ganda ko noh

Nang sumapit naman ang oktubre 2009, Naghiwalay ang mga magulang  ko dahil lang sa isang babae na aking ama. Lungkot na lungkot ako at walang ginawa sa dahilang sunod-sunod ang mga kamalasang nangyayari sa amin. Awang-awa ako sa aking ina una nawala na nga ang aking lola sunod naman ang aking ama. Pero di ko naramdamang magalit sa aking ama sapagkat kahit baligtaring man ang mundo siya pa din ang ama ko.

Ito naman ang pinakahihintay kong araw ang Ikaapat at huling pasok ko sa sekondarya. Lalong nagging Masaya ang samahan naming magkakaklse, lagi nandiyan ang tawanan at pagbibiruan. Lalong lalo na ang panggagaya sa assignment. Masaya kaming magkakaibigan sa bawat araw ng aking mga pagsasama. Pero di nagtagal di kami nagkaroon ng pagkakaunawaan ng aking mga kaibigan kaya kami nagkaroon ng “misunderstanding”, subalit hanggang ngayon di pa rin kame nagkakabati ang ikinaiinis ko lang ay ang pagbabago ng tatlo kong kaibigan nagging maarte  lagi ko nalang kasama ay ang true friend ko, minsan kung kani-kanino lang ako nasama kaya nga minsan sarap sila tanungin TRUE FRIEND BA KAU?...



mga frends ko sila kaso kulang nga kami eh si maine ako at si leslie 3rd year kami nito
                               
At nang sumapit naman ang disyembre araw ng pasko malungkot na ako kulang  kami wala ang aking ama pero kahit ganun ang nangyari nagbigay pa rin siya ng ragalo para sa amin. At ang gusto kong mangyari makapagtapos ng pag-aaral para sa aking magulang maging proud sila sakin….
ako to now 4th year ako pictorial ko yata to

No comments:

Post a Comment