Lahat ng mabababasa ay tanging experto lang ang gumagawa

Lahat ng mabababasa ay tanging experto lang ang gumagawa

Sunday, February 20, 2011

Ang Talambuhay ni Alona Alvarez


ako at ang kapatid ko.
         
 Ako si Alona C.Alvarez,ipinanganak noong Marso 8,1994 sa bayan ng San Pablo sa ganap na ika-7 ng gabi.Bunga ako ng mabuti at masayang pagsasamahan at pagmamahalan ng aking mga magulang na sina Ofelia De Lara Cervana tubong Tagcauyan Quezon at Isidro Baldovino Alvarez mul sa Calauan Laguna.Sa kanilang pagmamahalan,anim kaming magkakapatid na nagging bunga ng kanilang pagmamahalan.Ang mga kapatid ko ay nagngangalang Angelica,Alma,Alejandro,Aiko, ako at ang aking bunsong kapatid na si Abigail na sinilang na may kapansanan.Labing apat na taong gulang na siya ngayon subalit di parin siya nakakapagsalita,nakakarinig,nakakalakad lamang siya kung hahawakan ang dalawa niyang kamay at kung aakayin.Mahal na mahal naming ang bunso naming kapatid.Alam namin na ipinagkaloob siya sa amin ng panginoon dahil alam niyang kaya naming ito.Marami ng paghihirap at sakripisyo ang ginawa ng aking magulang.Sa tuwing nagkakasakit siya ay hirap na hirap ang aking magulang sa kadahilanang hindi ito marunong uminom ng gamot kaya hinahalo na lang ito sa tubig.
grade 6 ako nito.

Nang ako ay limang taong gulang na ay nagkaroon ako ng sakit na typhoid fever at convulsion,maraming paghihirap ang dinanas ng aking mga magulang mula sa aking karamdaman.May mga oras na hindi na makayanan ng aking katawan ang aking sakit.Kaya noong mga oras na iyon ay panay na ang turok sa aking ng mga nars kaya naman napagdisisyonan ng aking mga magulang na ilabas na ako ng ospital.

 Nagkaroon naman ng malaking bukol sa pisngi ang pangatlo kong kapatid ngunit ang higit pa doon ay di ko malilimutang pangyayari sa aking buhay ay yung dumating ang araw na nagkaroon lahat kaming anim na magkakapatid ng sakit na tigdas.Lahat kami ay nakaratay sa higaan sa mga oras na iyon din a malaman ng aking mga magulang ang kanilang gagawin.Maliliit pa lamang kami ng mangyari at maranasan namin ang pagsubok na iyon.Dala ng kahirapan,napilitang ipagbili ng aking lolo na si Igmedio Alvarez ang kaniyang malawak at masaganang pinyahan.Sa tulong ng perang iyon at sa tulong narin ng panginoon ay gumaling kaming magkakapatid.Malaki ang naging epekto ng pangyayaring iyon sa aming buhay subalit,nalampasan naming ang lahat ng pagsubok na dumating sa aming buhay.
graduation day !!!!


 Nang ako ay nasa pitong taong gulang na ay nagsimula n akong tumuntong sa elementarya sa paaralan ng Sta.Veronica Elementary School.Doon ako unti-unting natuto sa pagsulat at pagbasa,natuto rin akong makisama at makipag kaibigan sa aking mga kaklase at sa kapwa.Nasa unang baiting pa lamang ako ng makahiligan ko na ang pagsasayaw.Kaya naman natutunan kong sumali sa mga sayaw na ginaganap sa aming paaralan.Malayo ang aming paaralan sa aming bahay kaya palagin akong hinahatid ng aking ina papunta sa aming paaralan.Pagsubok na rin iyon para sa akin.

Noong walong taong gulang na ako ay isa na naming pagsubok ang dumating sa amin.Nagkasakit ang lolo ko ng kanser sa bituka.Simula noon ay palagi na siyang dinadala sa ospital kaya nakita ko sa mga mata nag tatay ko ang labis na kalungkutan.Nang ilabas na siya sa ospital ay masayang-masaya ako ngunit ang kasiyahan na naramdaman ko ay panandalian lamang pala dahil ng mailabas siya ay kinahapunan ay namatay ang lolo ko noong Marso 29,2002 sa ganap na ika-4 ng hapon.

Walong taon pa lamang ako ng mangyari iyon subalit malawak na ang aking pag-iisip.Labis ang kalungkutan ng aking pamilya at hindi nagtagal aiy nailibing ng maayos at maluwalhati ang lolo ko.Para sa akin di ko siya makakalimutan dahil siya lamang ang naabutan kong lolo.Mabait siya at mapagmahal,kapag pasko siya ang kasama ko para mamako.Hindi ko malilimutan ang masasayang ala-ala na naiwan niya sa akin.

Sampung taong gulang na ako ng naging masaya ako sa aking pag-aaral dahil noon nagkaroon ako ng award bilang 3rd honorable mention.Kapag may mga laban sa ibat ibang paaralan ay di ko pinapalampas ang pagkakataong ito.

 Labing dalawang taong gulang na ako ng sumagi sa aking isipan ang kahalagahan ng pag aaral sa akin.Nasa ika-6 na baiting na ako kaya naman masayang-masaya ako dahil alam kong malapit na ang pinakahihintay naming pagtatapos.Buwan ng Marso 29,taong 2006 nang nagtapos ako sa elementarya.Masayang-masaya ako noong araw na iyon kahit na ang kapatid kong panganay ang dumalo sa aking pagtataps.Nang mga oras na iyon ay araw naman ng kasal ng pangalawa sa panganay kong kapatid.

Nang sumunod na taon ng pasukan ay hindi ako nakapag aral dahil sad ala ng kahirapan n gaming pamilya subalit,sa pagkakataong iyon ay hindi ako nawalan ng pag asa.Kaya ng sumunod na taon ay hindi ko na pinalampas ang pagkakataon.Nakatuntong ako ng sekondarya at nag aral sa paaralan ng Col.Lauro D.Dizon Memorial Nat’l High School sa Mavenida Street ng San Pablo.Sa unang araw ng pagpasok ay magkahalong tuwa at kaba ang aking naramdaman.Natuto akong mas pagbutihin ang aking pag-aaral.Natuto akong makibagay sa mga taong nakapaligid sa akin.
ako at si sister jones.

Nakakilala ako ng mga totoo at tunay na mga kaibigan.Ang mga kaibigan ko ay sina Jerlyn Fernandez,Alyssa Mae Juinio at Wilyn Balitaan.Nang makilala ko sila ay marami akong natutunan at maraming nagbago sa akin.Palagi kaming magkakasama hanggan sa pagkain at sa mga oras na wala kaming ginagawa.Nang mas lalo pa naming nakilala ang isat isa kaya naman nagsasabihan na kami ng mga sikreto.Subalit ng nasa ika 3 antas na kami ng sekondarya ay napahiwalay kaming 2 ni Alyssa pero kahit ganon ay di parin nagbago ang aming pagkakaibigan.Hanggan sa ngayon ay di parin naming nalilimutan ang aming pinagsamahan.

Nang nasa una at ikalawang taon ako ng sekondarya ay naibibilang ako sa pangkat A subalit ng mga sumunod na taon ay nabilang ako sa pangkat B.Doon ko nakasama ang mga bago kong kaibigan na sina Maricar,Alyssa Nerie,at Angelyn.

 Noong 15 taon na ako ay una kong naranasan ang pagsali sa JS.Saya ang naramdaman naming magkakaibigan.Hanggan sa nagyon masasabi ko na malaking-malaki ang kaibahan ng sekondarya sa elementarya.Natuto akong mag aral ng mabuti at makisama sa lahat.Naiging malawak ang aking isip sa mga bagay bagay.
ako na ito ngayon.


Ngayon namang malapit ng dumating ang aking kaarawan sa darating na ika-8 ng Marso 1994.Ang tanging hiling ko lang ay makatapos ng pagaaral para magkaroon ng magandang trabaho para makatulong sa aking pamilya para narin sa kinabukasan namin.Nakakalungkot man isipin na sa aming anim na magkakapatid ay ako lamang ang nakatuntong at makakatapos ng sekondarya kaya naman ipinangako ko sa aking sarili na hindi ako maliligaw ng landas at pagsisilbihan ko at susuklian ang mga kabutihang ginawa sa akin ng aking pamilya.

Ang mga pangyayaring ito ay magsisilbing ala-ala ng aking pagkabata at aking dadalhin sa aking pagtanda.

No comments:

Post a Comment