1992
KRIS GAMBOA ALAURIN
Isinilang sa Bañadero ozamiz city noong Setyembre 28,1992 anak ng lahing kayumanggi….si Kris G. Alaurin. Bunga siya ng mabuti at mabungang pagasasamahan ng magkabiyak na sina Ginoong Liberato Mallo Alaurin tubong Bikulano at Ginang Oktubre Patricia Gamboa tubong Bisaya.Ang panig ni Liberato ay may lahing intsik
ME AND MY MOM,WHEN I WAS 2YRS.OLD |
Lima lahat ang binunga ng pagsasama nina Liberato at Patricia. Wala ni isa man sa mga ito ang isinilang at lumaking may kapansanan sa anumang bahagi ng katawan,isipan at pagkatao. Ang mga ito’y sina redgina,alma,lito,kris at dino.
Isa si ginoong Liberato sa mga tagapag-alaga ng lupain o asyenda ng pamilya Guerra sa brgy. Sto.niño sitio subac . bago isinilang si redgina,nakapagtayo ng isang malaki,matibay at marangyang bahay sa bayan ng bañadero ozamis city. Sa bayan ding ito bininyagan si kris noong oktubre 1992. si ginang merly ang tumayong ninang at si ginoong rommel naman ang tumayong ninong.
Lumaki si kris sa kanyang mga amainna sina Fernando at jose alaurin, ang amain niyang si Fernando ang nagmulat sa kanya ng pagpapahalaga sa paggawa, sa dahilang nagkahiwa-hiwalay ang pamilya nito apat na taong gulang pa lamang. Payat at masasakitin si kris noong bata pa. mahilig din siya sa paglalangoy sa ilog,pagguhit at pag-awit at pagsasayaw. At mula sa tiyahin niyang si ginang Irene mallo,natimo sa kanyang pagkatao ang mataas na pagpapahalaga at paggalang sa karapatan ng iba sa lahat ng pagkakataon.
ME AND MY BROTHER,THEY LOOK TWINS RIGHT?HEHE |
Nang siya ay apat na taon,ipinadala siya sa sta.cruz laguna upang mag-aral sa pangangalaga ng kanyang amain. Ngunit sa halip mag-aral ay pinagtrabaho ito ng mabibigat na bagay sa murang edad. Sumapit siya ng pitong taon bago pumasok sa paaralan. Bago pumasok sa paaralan ay nagtitinda muna siya ng kakanin gaya ng maha,sinukmani at iba pa. minsan wala siyang benta kaya pumapasok siyang walang baon at hindi pa nag-uumagahan. Madalas din ay kinikutya siya ng mga kaklase niya, namulat siya sa ganitong pamumuhay kaya nagsikap siyang mag-aral ng mabuti. Taon-taon ay umaakyat siya sa entablado upang sabitan ng medalya at barpin. Ginagawa niyang inspirasyon ang pamilya na nasa malayo. Ngunit di iniinda ang pangyayaring hiwalayan ng kanyang magulang,sa puso’t isipan niya ay buo at masaya pa rin ang pamilya niya. Kahit nagdurusa siya at nangungulila sa pagmamahal ng sariling magulang.
Makalipas ang 2 taon, bumalik sa san Pablo city si kris sa kadahilanang pagmamalupit sa kanya ng amain. Namasukan siya sa pamilya esguerra upang ipagpatuloy ang grade 3 sa branza memorial school. Muli nakaranas ng di magandang pakikitungo si kris sa amo. Napilitang lumipat at mamasukan sa sa ibang bahay. Grade 6 may kumupkop sa kanyang mayaman at pinag-aral siya. Nakapagtapos na siya ng elementarya ng may mataas na grado.
ME AND MY FAVORITE TEACHER MS LEE,I WAS HONORED AS 2ND PLACER IN TALUMPATI |
Tumuntong na siya sa sekondarya. Nakilala na siya ng halos lahat ng kapatid ng amo niya,nagustuhan siya at nais na ampunin at dahlin sa Amerika. Ngunit may kaguluhang naganap hindi pumayag ang amo niya at simula noon ay nagkagulo at nag-away-away ang mga kapatid ng amo niya. Sa pamilya buerra ay hindi rin siya nakaligtas bagkus ay dumanas din siya ng hirap simula ng magkaroon ng alitan ang pamilya Guerra sa pamilyang mechalski. Namayat ng husto si kris at putla na ang pisngi at labi dahil minsan ay di-kumakain at panis pa ang pinapakain. Nang tumuntong sa 3rd year high school si kris ay lumala ng lumala ang pangyayaring alitan sa 2 pamilya. Dahil sa pangyayaring ito ay napilitan si kris na umalis at magpaalam sa 2 pamilya. Walang nagawa ang mga ito kaya hinayaan na nilang umalis si kris. Huminto ng pag-aaral si kris ng isang taon. Dito ay nakapiling na niya ang sariling pamilya, masaya siya at tuwa-tuwa dahil nagkabalikan na ang mga magulang niya, kulang na lang ay ang kanyang ate na namamasukan din sa ibang tao upang makapagtapos.
Lumipas ang isang taong paghinto ni kris ay muli siyna namasukan sa isang doctor. Naging masaya sa umpisa,ngunit ng katagalan ay nagbago ang pakikitungo sa kanya ng asawa ng doctor. Di naglaon ay nalaman niyang pinagseselosan pala siya ng asawa dahil sa narinig niyang pagtatalo ng mag-asawa. Isang taon lang si kris sa kanila ay nagpasiya na siyang lumipat ng tirahan. Muli namasukan siya sa ibang bahay sa pamilya ng Guerra upang doon ay ipagpatuloy niya ang 4th year high school. Sa pagtanggap nila kay kris ay bigla namang pagbabago ng ugali ng anak nilang panganay. Nagsimula ng magparinig ito araw man o gabi. Nagkakagulo na sa bahay,gusto ng umalis ni kris sa bahay na iyon ngunit pilit parin siyang pinaglalaban at doon gustong patirahin ng sariling amo. Sa pagkakataong iyon ay naisip ni kris na kong may diyos ba talaga? Kung meron ay bakit ganoon ang dinaranas niya?
ME,WHEN I GRADUATED IN ELEMENTARY |
Makalipas ang ilang buwan lumala na ang kaguluhan sa bahay. Napilitan na ding ialik ng mag-asawang Guerra si kris sa mga magulang nito. Nangako naman ang mag-asawa na patuloy pa rin nilang susupurtahan si kris sa pag-aaral sapagkat awing-awa ang mga ito sa pamilya ni kris.
Kasalukuyang nag-aral ngayon si kris sa Col.Lauro D. Dizon National High School sa ikaapat na baiting. Kasalukuyan rin siyang naglilingkod at namamasukan sa pamilya Guerra na kung saan ay may-ari ng lupa na inaalagaan ng kanyang ama ngayon.
Maraming lugar na ang napuntahan ni kris. Sa tagaytay kung saan ay labis siyang namangha sa sobrang lalaki ng bahay na animoy palasyo. Halos lahat ng bahay ay bahay bakasyunan lamang. Sa vigan naman nagbakasyon ang dating amo niya at nagpasyang isama siya. Maraming tanawin ditto at mga bahay na sinauna. Nakita rin niya ang pinaghihimlayan ng dating yumaong presidente ng pilipinas na si Ferdinand Marcos. Naroon pa ang labi nito at parang manikin lamang ngunit tunay ito at naka wax ang katawan. Sa pagudpod doon ay isinama din siya at naglangoy sa white sandbeach. Sa Maynila na kung saan ay maraming mayayamang pamilya ang nakasalamuha at nakilala niya. Sa mulanay,ditto naman ay napasama siya sa isang crusade,tumagal sila ng isnag buwan at sa lahat ng oras na iyon ay ibinigay niya ang buhay sa diyos, naglingkod at nagpagamit sa diyos sa pamamagitan ng pag-awit at pagsayaw. Sa guisguis, dito naman nagkaroon ng kasiyahan sapagkat kasama niya ang mga kapatid sa pananampalataya. Sumisid sa pusod ng dagat na pinaka-challenge sa kanya.. nakita niya ang mga lamang dagat at napakaraming malls ditto sa pilipinas na kanyang narating.
AGAIN,ITS ME SO PRETTY GIRL,T'WAS JS PROM |
Salamat sa mga karanasan ang nasambit ni kris, kundi dahil dito ay lalakas ang loob niya at magpupursige sa buhay. Salamat din sa diyos sapagkat tunay siyang kaibigan na di- nangiiwan. Mga kapatid ang pagsubok ay ating lampas an at paka-tatandaan na ang buhay ay maikli lamang kaya gumawa tayo ng naayon sa kalooban ng diyos.
No comments:
Post a Comment