Lahat ng mabababasa ay tanging experto lang ang gumagawa

Lahat ng mabababasa ay tanging experto lang ang gumagawa

Sunday, February 20, 2011

Ang Talambuhay ni Alona Alvarez


ako at ang kapatid ko.
         
 Ako si Alona C.Alvarez,ipinanganak noong Marso 8,1994 sa bayan ng San Pablo sa ganap na ika-7 ng gabi.Bunga ako ng mabuti at masayang pagsasamahan at pagmamahalan ng aking mga magulang na sina Ofelia De Lara Cervana tubong Tagcauyan Quezon at Isidro Baldovino Alvarez mul sa Calauan Laguna.Sa kanilang pagmamahalan,anim kaming magkakapatid na nagging bunga ng kanilang pagmamahalan.Ang mga kapatid ko ay nagngangalang Angelica,Alma,Alejandro,Aiko, ako at ang aking bunsong kapatid na si Abigail na sinilang na may kapansanan.Labing apat na taong gulang na siya ngayon subalit di parin siya nakakapagsalita,nakakarinig,nakakalakad lamang siya kung hahawakan ang dalawa niyang kamay at kung aakayin.Mahal na mahal naming ang bunso naming kapatid.Alam namin na ipinagkaloob siya sa amin ng panginoon dahil alam niyang kaya naming ito.Marami ng paghihirap at sakripisyo ang ginawa ng aking magulang.Sa tuwing nagkakasakit siya ay hirap na hirap ang aking magulang sa kadahilanang hindi ito marunong uminom ng gamot kaya hinahalo na lang ito sa tubig.
grade 6 ako nito.

Nang ako ay limang taong gulang na ay nagkaroon ako ng sakit na typhoid fever at convulsion,maraming paghihirap ang dinanas ng aking mga magulang mula sa aking karamdaman.May mga oras na hindi na makayanan ng aking katawan ang aking sakit.Kaya noong mga oras na iyon ay panay na ang turok sa aking ng mga nars kaya naman napagdisisyonan ng aking mga magulang na ilabas na ako ng ospital.

 Nagkaroon naman ng malaking bukol sa pisngi ang pangatlo kong kapatid ngunit ang higit pa doon ay di ko malilimutang pangyayari sa aking buhay ay yung dumating ang araw na nagkaroon lahat kaming anim na magkakapatid ng sakit na tigdas.Lahat kami ay nakaratay sa higaan sa mga oras na iyon din a malaman ng aking mga magulang ang kanilang gagawin.Maliliit pa lamang kami ng mangyari at maranasan namin ang pagsubok na iyon.Dala ng kahirapan,napilitang ipagbili ng aking lolo na si Igmedio Alvarez ang kaniyang malawak at masaganang pinyahan.Sa tulong ng perang iyon at sa tulong narin ng panginoon ay gumaling kaming magkakapatid.Malaki ang naging epekto ng pangyayaring iyon sa aming buhay subalit,nalampasan naming ang lahat ng pagsubok na dumating sa aming buhay.
graduation day !!!!


 Nang ako ay nasa pitong taong gulang na ay nagsimula n akong tumuntong sa elementarya sa paaralan ng Sta.Veronica Elementary School.Doon ako unti-unting natuto sa pagsulat at pagbasa,natuto rin akong makisama at makipag kaibigan sa aking mga kaklase at sa kapwa.Nasa unang baiting pa lamang ako ng makahiligan ko na ang pagsasayaw.Kaya naman natutunan kong sumali sa mga sayaw na ginaganap sa aming paaralan.Malayo ang aming paaralan sa aming bahay kaya palagin akong hinahatid ng aking ina papunta sa aming paaralan.Pagsubok na rin iyon para sa akin.

Noong walong taong gulang na ako ay isa na naming pagsubok ang dumating sa amin.Nagkasakit ang lolo ko ng kanser sa bituka.Simula noon ay palagi na siyang dinadala sa ospital kaya nakita ko sa mga mata nag tatay ko ang labis na kalungkutan.Nang ilabas na siya sa ospital ay masayang-masaya ako ngunit ang kasiyahan na naramdaman ko ay panandalian lamang pala dahil ng mailabas siya ay kinahapunan ay namatay ang lolo ko noong Marso 29,2002 sa ganap na ika-4 ng hapon.

Walong taon pa lamang ako ng mangyari iyon subalit malawak na ang aking pag-iisip.Labis ang kalungkutan ng aking pamilya at hindi nagtagal aiy nailibing ng maayos at maluwalhati ang lolo ko.Para sa akin di ko siya makakalimutan dahil siya lamang ang naabutan kong lolo.Mabait siya at mapagmahal,kapag pasko siya ang kasama ko para mamako.Hindi ko malilimutan ang masasayang ala-ala na naiwan niya sa akin.

Sampung taong gulang na ako ng naging masaya ako sa aking pag-aaral dahil noon nagkaroon ako ng award bilang 3rd honorable mention.Kapag may mga laban sa ibat ibang paaralan ay di ko pinapalampas ang pagkakataong ito.

 Labing dalawang taong gulang na ako ng sumagi sa aking isipan ang kahalagahan ng pag aaral sa akin.Nasa ika-6 na baiting na ako kaya naman masayang-masaya ako dahil alam kong malapit na ang pinakahihintay naming pagtatapos.Buwan ng Marso 29,taong 2006 nang nagtapos ako sa elementarya.Masayang-masaya ako noong araw na iyon kahit na ang kapatid kong panganay ang dumalo sa aking pagtataps.Nang mga oras na iyon ay araw naman ng kasal ng pangalawa sa panganay kong kapatid.

Nang sumunod na taon ng pasukan ay hindi ako nakapag aral dahil sad ala ng kahirapan n gaming pamilya subalit,sa pagkakataong iyon ay hindi ako nawalan ng pag asa.Kaya ng sumunod na taon ay hindi ko na pinalampas ang pagkakataon.Nakatuntong ako ng sekondarya at nag aral sa paaralan ng Col.Lauro D.Dizon Memorial Nat’l High School sa Mavenida Street ng San Pablo.Sa unang araw ng pagpasok ay magkahalong tuwa at kaba ang aking naramdaman.Natuto akong mas pagbutihin ang aking pag-aaral.Natuto akong makibagay sa mga taong nakapaligid sa akin.
ako at si sister jones.

Nakakilala ako ng mga totoo at tunay na mga kaibigan.Ang mga kaibigan ko ay sina Jerlyn Fernandez,Alyssa Mae Juinio at Wilyn Balitaan.Nang makilala ko sila ay marami akong natutunan at maraming nagbago sa akin.Palagi kaming magkakasama hanggan sa pagkain at sa mga oras na wala kaming ginagawa.Nang mas lalo pa naming nakilala ang isat isa kaya naman nagsasabihan na kami ng mga sikreto.Subalit ng nasa ika 3 antas na kami ng sekondarya ay napahiwalay kaming 2 ni Alyssa pero kahit ganon ay di parin nagbago ang aming pagkakaibigan.Hanggan sa ngayon ay di parin naming nalilimutan ang aming pinagsamahan.

Nang nasa una at ikalawang taon ako ng sekondarya ay naibibilang ako sa pangkat A subalit ng mga sumunod na taon ay nabilang ako sa pangkat B.Doon ko nakasama ang mga bago kong kaibigan na sina Maricar,Alyssa Nerie,at Angelyn.

 Noong 15 taon na ako ay una kong naranasan ang pagsali sa JS.Saya ang naramdaman naming magkakaibigan.Hanggan sa nagyon masasabi ko na malaking-malaki ang kaibahan ng sekondarya sa elementarya.Natuto akong mag aral ng mabuti at makisama sa lahat.Naiging malawak ang aking isip sa mga bagay bagay.
ako na ito ngayon.


Ngayon namang malapit ng dumating ang aking kaarawan sa darating na ika-8 ng Marso 1994.Ang tanging hiling ko lang ay makatapos ng pagaaral para magkaroon ng magandang trabaho para makatulong sa aking pamilya para narin sa kinabukasan namin.Nakakalungkot man isipin na sa aming anim na magkakapatid ay ako lamang ang nakatuntong at makakatapos ng sekondarya kaya naman ipinangako ko sa aking sarili na hindi ako maliligaw ng landas at pagsisilbihan ko at susuklian ang mga kabutihang ginawa sa akin ng aking pamilya.

Ang mga pangyayaring ito ay magsisilbing ala-ala ng aking pagkabata at aking dadalhin sa aking pagtanda.

Ttalambuhay Ni Ma.Rissa Andrada



Talambuhay Ni Ma. Rissa Andrada

Dalawang araw bago magdiwang ang araw ng kagitingan ika-siyam ng Abril ng aking kapanganakan, ako’y isinilang sa Poblacion, Sto. Tomas Batangas sa pagitan ng ikapito hanggang ikasampu ng umaga. Nang matapos ako isilang tuwang-tuwa ang aking mga magulang sapagkat ako ang kanilang kauna-unahang anak na babae dahil sa kanilang katuwaan para sa akin pinagsama ng aking magulang ang kanilang pangalan Ricky at Ma. Theresa. Para naman sa aking ama kinuha mula rito ang kanyang “Ri” at para naman sa aking ina ay “Sa”, kaya ng araw na iyon Abril 7, 1995 may kaisa-isang anak sila na nagngangalang Ma. Rissa T. Andrada.

Sa lugar ng Makiling, Calamba Laguna kami nakatira makaraan ang taong 1996 ipinanganak ang aking kapatid at sa taon naman 1998, ipinanganak ang kapatid kong bunso. Lima kaming magkakapatid. Panganay si Julius, sumunod ay si Jeric, ako, Rikki mae, at si Ricca. Ang akingama ay isang Security guard kahit saan mang lugar siya ma-asign gagawin niya pa rin ito kahit mapalayo sa amin para lang may ipantustos sa amin. Ang aking ina naman ay isang taong bahay para lang may magbantay sa amin. Kaya mahal na mahal ko ang aking magulang.
mga kapatid ko yan ako si mae,rica,at yung mga nakatayo mga kuya ko

Musmos pa lamang ako, apat na taon ako ng ipasok ng aking ina sa kinder bilang “saling pusa” upang maaga pa lamang ay may matutunan n ako. Ang mga kuya ko minsan ang nagbabantay sa akin.

Nang maglimang taon ako lumipat kami ng bahay sa San Pablo City, Laguna. Dito kami tumira ng aking mga magulang at mjga kapatid. Sa unang pagtuloy naming hindi pa kami sana’y dahil gubatan, hindi tulad sa Calamba na madumi ang polusyon. Nanibago kami pero hindi nagtagal nasanay na rin kami.
nung grade 1 ako 1st runner up nga ko eh



 Anim na taon naman akong pinag-aralan ng aking mga magulang sa unang baitang. Ang sarap sa pakiramdam kasi hatid sundo pa ako kang tawagin ay “baby girl”, Samantalang ang aking kapatid ay kinder. Hindi na ako pinagkinder ng aking ina diniretso na ako sa unang baiting sapagkat marami na daw akong kaalaman. Hindi naman mahirap mag-aral. Nang sa buwan naman njg nutrisyon isinali ako ng aking mga guro sa mga kandidata para sa paaralan naming bilang representatib ng aming seksyon pero hindi naman masama ako ang itinanghal na 1st Runner Up.

Ang hindi ko makakalimutan ng ako’y nasa unag baitang ay yung napaihi ako sa aking palda, pero wala naming nakakita sa akin kaya umuwi kaagad ako.

Nang matapos ako sa unang baitang nasa ikalawang baiting na ako sa gulang na pito. Dito ako nagkaroon ng 1st crush kahit nasa murang isipan pa ako. Ang nagging guro ko n gang pinakaayaw ko sapagkat nung lunes, siya’y namamalo ng kamay para sa may mahahabang kuko. Dito ako nagsimulang tumingin ng tamang oras.

Nang nasa ikatlong baiting ako, dito ako natutong magtimes at magdibisyon. Ang naging guro ko sa baiting na ito ay mataray pero maganda. Ditto ako nagkaroon ng maraming kaibigan nandiyan na ang mga damayan at mga tawanan. Nasa ikaapat naman ako, wala ibang ginwa ang titser nmin sa EPP, kung di magpasulat ng magpasulat. Minsan nagpapalit kami ng mga kaibigan ko ng kwaderno upang magsulat.

Matapos ang ikaapat na baiting, sumapit ang kinatatakutan ko ang ikalimang baiting sapagkat akala ko mahirap ang pag-aaralan pero hindidun ako nagkamali sapagkat itong taong ito ang di ko makakalimutan sa buhayko. Sapagkat pagsapit ng tanghali nandiyan na ang mga lakwatsahan sa mga bajhay ng aking mga kaklase, nandito na yung mga tawanan. Lalong-lalo di ko makakalimutan ang salitang “uy pagaya wala akon assignment” pag narinig na naming ang salitang ito bilisan na kasi magta-time na kami.

Sa lahat ng pinagdaraanan ko ito ang pinaka-hinihintay ko sa buhay ko ang ikaanim na baiting. Nandito na ang masayang samahan. Itong taon ang masaya ng bata pa ako sapagkat may nagging crush ako pero di ko inaasahan na crush niya rin ako. Pero ang pinakamasakit sa akin mas mahal niya nman ang aking kaibigan kahit nagseselos ako di ko na lang pinapansin. Dito ako nakatanggap ng napakaraming sulat mula sa aking mag mahal na kaibigan na tinatago ko hanggang ngayon. Hindi ko sila makakalimutan nang papalapit na pnakmasayang araw na malungkot ay ang pag graduate na rin sapagkat magkakalayu-layo na kami. Itinanghal akong “most industrious” kahit papaano nakatanggap ako ng award ng araw ng graduation naming. Kaming magkakaibigan ay malungkot pero dinaan na lang naming sa picture taking upang maibsan ang aming kalungkutan.

Nang nasa unang sekondarya ako sa gulang kong labindalawang taon. Hindi ko makakalimutan ang nangyari sa akinng pasukan sapagkat iniwan ako ng aking kuya ng dahil dito di ako nakapasok sa unang araw ng pasukan. Hindi ko alam ang gagawin ko kasi unang tapak ko pa lang nun sa Dizon High. Buti na lang mabait ang diyos sapagkat ako’y nahihiya sa  dahilang ako’y nahuli sa klase. Nang ikatlong araw na sa wakes ako’y nakapasok na.sa dahilang kabaitan na nagiging kaklase ko. Ang nagging seksyon ko ay sa antas ng “B”. Napakamahiyain ko nito, hindi man lang ako kumikibo sa aking mga kaklase pero di nagtagal nagkakilanlan kaming ng husay. Nang makalipas ang ilang buwan ditto ko na nakilala ang mga naging kaibigan ko sina Melanie Quino, Sushmita Gap, at Pouline Ramirez. Naging Masaya lagi an gaming samahan sa tuwing  sasapit an gaming periodical test kami’y naggagala sila’y pumunta sa aming bahay naligo sila sa bunot lake ang saya saya naming ng araw na iyon . haggang sa naghapon wala pa ring humpay an gaming kasiyahan.

Nagng sa buwan ng marso namatay ang itinuturing kong lolo-lolohan sa dahilang siya’y nastroke labis ang kalungkutan ko nito dahil napamahal na siya sa akin.

Nang ako’y nasa ikalawang baitang ng sekondarya, napahiwalay na an gaming isang kaibigan kasi napababa ang kanyang antas. Pero di nagging hadlang iyon upang mawasak an gaming pagkakaibigan nagging Masaya pa rin kami. Marami akong nagging mga bagong kaklase, Masaya pa rin an gaming pamilya walang nangyayaring hindi msaya. Tuwang tuwa ang mga magulang ko sapagkat makakatapos na rin ang aking kuya.

Dumating ang ikatlong sekondarya ko nagging Masaya ako sapagkat nandiyan na an gaming kulitan ng mga kaklase ko. Napakasay pala maransan ang high school life. Napakarami kong mga memorable ng di ko makakalimutan. Pero nang sumapit ang styembre 3, 2009 naging malungkot ako at ang aking mga kapatid kasi namatay ang pinakmabait kong lola. Ang aga naming gumising alas kwatro siya namatay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak naaalala ko ang mga masasayang araw naming kasama ang aking lola. Isang linggong nkaburol ang aking lola nang ilibing ang aking lola halos gusto ng mawala ng lakas ng loob ang aking mama.
ako yan nung 3rd year ako ganda ko noh

Nang sumapit naman ang oktubre 2009, Naghiwalay ang mga magulang  ko dahil lang sa isang babae na aking ama. Lungkot na lungkot ako at walang ginawa sa dahilang sunod-sunod ang mga kamalasang nangyayari sa amin. Awang-awa ako sa aking ina una nawala na nga ang aking lola sunod naman ang aking ama. Pero di ko naramdamang magalit sa aking ama sapagkat kahit baligtaring man ang mundo siya pa din ang ama ko.

Ito naman ang pinakahihintay kong araw ang Ikaapat at huling pasok ko sa sekondarya. Lalong nagging Masaya ang samahan naming magkakaklse, lagi nandiyan ang tawanan at pagbibiruan. Lalong lalo na ang panggagaya sa assignment. Masaya kaming magkakaibigan sa bawat araw ng aking mga pagsasama. Pero di nagtagal di kami nagkaroon ng pagkakaunawaan ng aking mga kaibigan kaya kami nagkaroon ng “misunderstanding”, subalit hanggang ngayon di pa rin kame nagkakabati ang ikinaiinis ko lang ay ang pagbabago ng tatlo kong kaibigan nagging maarte  lagi ko nalang kasama ay ang true friend ko, minsan kung kani-kanino lang ako nasama kaya nga minsan sarap sila tanungin TRUE FRIEND BA KAU?...



mga frends ko sila kaso kulang nga kami eh si maine ako at si leslie 3rd year kami nito
                               
At nang sumapit naman ang disyembre araw ng pasko malungkot na ako kulang  kami wala ang aking ama pero kahit ganun ang nangyari nagbigay pa rin siya ng ragalo para sa amin. At ang gusto kong mangyari makapagtapos ng pag-aaral para sa aking magulang maging proud sila sakin….
ako to now 4th year ako pictorial ko yata to

Ang Talambuhay ni Paulo Concepcion




ako at ang aking lolo
   Sa isang lalawaigan sa pilipinas.ito ay ang laguna.sa isang bayan sa laguna na tinaguriang san Pablo city na isininunod sa pangalan ni san Pablo ang unang  ermitanyo  ipananganak ang aking magulang na si emma concepcion ang aking ina na si emma concepccion  ng aking lola na  si  loreta uri  na sawa ni  estaquio rolando uri ang akiung ian ay pinanganak noong  nobyembre 4,1976.ngunait sa kabila ng lahat hindi ko alam ang lahat na impormasyon tungkol sa aking ama kahit ano pa man ito.walang nag sa sabi sa akin tungkol sa kanya.siguro nakilala sya ng aking ina sa maynila kung saan ako pinanganak.kung saan siya date siyang nag tatrabaho. Noong agoto 21 1994 ipnanganak ang isang bata  na hindi natin alam maaring balanng raw isa ng maging bayani o          tagapagli gkod sa bayan baling araw siya ay si PAULO URI CONCEPCION A.K.A “AKO”ipinanganak ako sa maynila noong araw na yon.ako si Paulo uri concepcion 16 taong gulangna ngayon  nakatira sa 25a mabini  ext san Pablo city laguna  ilalahad ko sa inyo ang aking munting talambuhay na aking pinag mamalaki. Nag simula amg kwento ng buhay ko sa king pagkabata pa lamamgako ay simple lang na bata nagging masya ang pag dadaos nag aking unag kaarawan ay nag kindergarten sa isang maliit na school sa aming lugarkonti lang  kameng mag kakamag aral naalala ko noon ang mga bata sa kinder ay ayw naiiwannan ng kanilang magulang  syempre isa na ako dun bat eh.unng beses sa  aking buhay ang pumasok sa paaralan na doon nag sisimula ang pag aktuto sa buhay dahhil ag tinuturo ay puro mga unang hakbang sa buhay noongb panahoong iyon ako ay maliit na bata pa lamang at musmos na bata pa lamang nagkarooon kame nang fieldtrip noong panahong yonyun angb una kong fieldtrip at hindi makakalimutan lahat  ng kaklase ko ay excited syempre bata pa kame noon.syempre kasama ako sa kanila .dumating ang raw na yon excited ako 3 palang gsisng na ako.mga 6 am umalis ang bus.nag kita kita kames a may cathedral ng san  Pablo malapit sa may bumbero makkikita mo dun ang nag lalakihang bus hinatid ako ng aking pinakamamahal  lolo.dahil pamula pa namn pagkabata siya na ang nag alaga sa aken dahil awala naman akong kinagisnan na ama kaya siya ang tumayong ama  sakendi man lang sinabi ng aking ina ang tungkol sa akiung ama pamula poa pag kabata.natapos nag isang napakasayang araw para sa aken dami naming pinuntahan.back to school nanaman pag ka tapos.natapo ko ang kineder at nang  ako ay nag prep ako ay lumipat ng paaralan.ao ay nasa p.alcantara school.nga pala mayroon akong kapatid dalwa kame isang taon lang pagitan namen ang pangalan nya ay Pauline shane concepcion ipinanganak noong augosto 29 1995 pareho kaming walang alam tungkol sa aking ama.sa buhay prep nag karoon uli kame ng fieldtrip kaso ito ay nagging napakalungkot na  araw para sa aken dahil sa mismong araw nayon namatay ang ama ng aking lolo.di ako naka dalo sa field trip gawa noon pero ayos lang  para saken yon lumipas ang panahon natapos kko ang prep gumarauate ako nan 2nd honor napakasaya ko noon.                                                                                                                                              
                             

ako nung gumaraduate ng elementary
  Pumasok ako ng grade 1 sa san Pablo central schoolnew school,new life ,new friends,madami ako ditong nakilala natutunan at iba pa.masaya ang buhay bata sa elementary puro tawanan ,laro,recess ,tas laro uli yan ang Gawain ko noong ako ay grade 1-3.ppero pag dating nang grade 4 ako ay anging matured na binawasan ang paglalaro pag pasok nang grade 6 kelangan ulityin bawat oras at Segundo na dumadaan saya noong mga araw na yon puro kame kalokohan ng tropa doon ko sila nakilala sa sec.4 kame noon dame dati sec sa central kameng mag kakaibigan lage kaame na gimik pag sabado halos mag hapon kame mag kakasama minsan nga doon pa nkame natutulog sa bahya nang aking barkada pero ang syang yon ay panandalian lamang dahil dumating na ang araw nang graduation 8isang napaklungot na raw para sa amen  lahat ng alaala namen ay hindi namn makaklimutan sa araw na yon sabi namen mag totropa “mga tropa walang iiyak baling raw mag kikita kita din tayo”lahat nang alaal namen ay nakatamin sa aming puso na kahit kelan hindi namen makakalimutan pag kakuha ng card namen isa isa na kameng pumili ng landas na amen tatahakin.                                                     
ako ng nakamit ko ang aking pangarap na mag colors sa isang graduation
ako at ang aking asawa hehe :)
                                Dumating ang araw na ako ay nagging high school pumasok ako dito sa col.lauro d.Dizon memorial national high school.high school life daw ang pinaka Masaya sa lahat.first year ako ay nabibilang sa sec 1-d madaming mga taga  centsal ang di pumasok madami akong mga nakilala sa aking bagong buhay pero itong year na to ang mahirap para sa aken dahil ako ay nag sikap para mapa taas ang aking section puro aral ako noon.pero nag bunga ang aking pag sisikap tumaas ako sa section 2-b ito ang year na pinakamasaya na year sa aken . nag kakilakila kameng mga mag toropa nag sisiyahan kame na para wala nang bukas naipon ditto lahat. Dameng activity .nag fieldtrip  kame napakasya pumunta kame sa star city,ocean park na noon ay kakabukas pa lamang. Super sya para sa aken noong mga panahong yon.higit sa lahat ang pinaka masyang activity sa lahat at pinaka aabangan ang florante at laura ito ay ang laban ng mga section na pagalinagan sa pag akto sa isang play.bawat araw pinag hahandaan namen ang pag dating nang araw ng laban tulong tulobg kameng lahat.ginalingan ko sa aking ginampanan. Nanalo ako ng gold medal at ang  aming laura pero sa hindi inaasahan natalo kame pero ayos lang dahil para sa amen kame parin ang panalo. Natapos ko ang second year ito na ang third year section b paren ako ito ang pinaka mahirap na year nag ka hiwahiwalay na kaneng tropa karamihan bumaba.sa year na toh pinasok ko ang C.A.T Masaya pala ang C.A.T una kasi di ko talaga seryoso ang pag sali dito pero nang  tumagal napamhal na sa aken ang kasama ko sineryoso ko para maabot ko ang gusto kong posisyon at ma challenge ko ang sarili k.nagtagumpay ako nag karoon ako nang karangalan nag clors ako noong graduation ng 4th year batch 2009-2010.pag katapos nag training ako ng summer natapos ko young 20 days supre saya talaga nito  di ko makakalimutan yon. Nagging officer nga ako nitong 4th year eto na ako ang  Paulo na  kilala niyo  nagging masya lahat ng experience ko sa school na to lahat di ko makakalimutan lalo na sina sir marfori at lahat na co officer ko. Nagging Masaya Christmas party namen noon lalo na ang swimmimg kasama si sir sa kanilang bukid.pag pasok nang January bilis na ng araw busy na din kame  naging Masaya last J.S ko unforgettable yon nagun malapit na kameng gumaraduate sana walang isnob pag nag kakita kita ule kame at sana maging maayos lage sila.”SANA WALANG KALIMUTAN”                         
ako nung nag j.s












ako at mga clasm8 ko
















BY:CONCEPCION PAULO URI                                                 4-B                                                                                                                          MANY FRIENDS TO REMEMBER AND ALL HAPPENINGS TO REMEMBER       
CONGRATS 4TH YEAR                                                                                                                        
CAT OFFICER JOB WELL DONE I SALUTE YOU ALL AND THANKS SIR MARFORI TO ALL  THINGS you’ve  

Thursday, February 17, 2011

Ang Talambuhay ni Kris Alaurin



1992
KRIS GAMBOA ALAURIN


Isinilang sa Bañadero ozamiz city noong Setyembre 28,1992 anak ng lahing kayumanggi….si Kris G. Alaurin. Bunga siya ng mabuti at mabungang pagasasamahan ng magkabiyak na sina Ginoong Liberato Mallo Alaurin  tubong Bikulano  at Ginang Oktubre Patricia Gamboa tubong Bisaya.Ang panig ni Liberato ay may lahing intsik

ME AND MY MOM,WHEN I WAS 2YRS.OLD



Lima lahat ang binunga ng pagsasama nina Liberato at Patricia. Wala ni isa man sa mga ito ang isinilang at lumaking may kapansanan sa anumang bahagi ng katawan,isipan at pagkatao. Ang mga ito’y sina redgina,alma,lito,kris at dino.
           
Isa si ginoong Liberato sa mga tagapag-alaga ng lupain o asyenda ng pamilya Guerra sa brgy. Sto.niño sitio subac . bago isinilang si redgina,nakapagtayo ng isang malaki,matibay at marangyang bahay sa bayan ng bañadero ozamis city. Sa bayan ding ito bininyagan si kris noong oktubre 1992. si ginang merly ang tumayong ninang at si ginoong rommel naman ang tumayong ninong.
           
Lumaki si kris sa kanyang mga amainna sina Fernando at jose alaurin, ang amain niyang si Fernando ang nagmulat sa kanya ng pagpapahalaga sa paggawa, sa dahilang nagkahiwa-hiwalay ang pamilya nito apat na taong gulang pa lamang. Payat at masasakitin si kris noong bata pa. mahilig din siya sa paglalangoy sa ilog,pagguhit at pag-awit  at pagsasayaw. At mula sa tiyahin niyang si ginang Irene mallo,natimo sa kanyang pagkatao ang mataas na pagpapahalaga  at paggalang sa karapatan ng iba sa lahat ng pagkakataon.

ME AND MY BROTHER,THEY LOOK TWINS RIGHT?HEHE


Nang siya ay apat na taon,ipinadala siya sa sta.cruz laguna upang mag-aral sa pangangalaga ng kanyang amain. Ngunit sa halip mag-aral ay pinagtrabaho ito ng mabibigat na bagay sa murang edad. Sumapit siya ng pitong taon bago pumasok sa paaralan. Bago pumasok sa paaralan ay nagtitinda muna siya ng kakanin gaya ng maha,sinukmani at iba pa. minsan wala siyang benta kaya pumapasok siyang walang baon at hindi pa nag-uumagahan. Madalas din ay kinikutya siya ng mga kaklase niya, namulat siya sa ganitong pamumuhay  kaya nagsikap siyang mag-aral ng mabuti. Taon-taon ay umaakyat siya sa entablado upang sabitan ng medalya at barpin. Ginagawa niyang inspirasyon ang pamilya na nasa malayo. Ngunit di iniinda ang pangyayaring hiwalayan ng kanyang magulang,sa puso’t isipan niya ay buo at masaya pa rin ang pamilya niya. Kahit nagdurusa siya at nangungulila sa pagmamahal ng sariling magulang.


Makalipas ang 2 taon, bumalik sa san Pablo city si kris sa kadahilanang  pagmamalupit sa kanya ng amain. Namasukan siya sa pamilya esguerra upang ipagpatuloy ang grade 3 sa branza memorial school. Muli nakaranas ng di magandang pakikitungo si kris sa amo. Napilitang lumipat at mamasukan sa sa ibang bahay. Grade 6 may kumupkop sa kanyang mayaman at pinag-aral siya. Nakapagtapos na siya ng elementarya ng may mataas na grado.

ME AND MY FAVORITE TEACHER MS LEE,I WAS HONORED AS 2ND PLACER  IN TALUMPATI





                
 Tumuntong na siya sa sekondarya. Nakilala na siya ng halos lahat ng kapatid ng amo niya,nagustuhan siya at nais na ampunin at dahlin sa Amerika. Ngunit may kaguluhang naganap hindi pumayag ang amo niya at simula noon ay nagkagulo at nag-away-away ang mga kapatid ng amo niya. Sa pamilya buerra ay hindi rin siya nakaligtas bagkus ay dumanas din siya ng hirap simula ng magkaroon ng alitan ang pamilya Guerra sa pamilyang mechalski. Namayat ng husto si kris at putla na ang pisngi at labi dahil minsan ay di-kumakain at panis pa ang pinapakain. Nang tumuntong sa 3rd year high school si kris ay lumala ng lumala ang pangyayaring alitan sa 2 pamilya. Dahil sa pangyayaring ito ay napilitan si kris na umalis at magpaalam sa 2 pamilya. Walang nagawa ang mga ito kaya hinayaan na nilang umalis si kris. Huminto ng pag-aaral si kris ng isang taon. Dito ay nakapiling na niya ang sariling pamilya, masaya siya at tuwa-tuwa dahil nagkabalikan na ang mga magulang niya, kulang na lang ay ang kanyang ate na namamasukan din sa ibang tao upang makapagtapos.

            Lumipas ang isang taong paghinto ni kris ay muli siyna namasukan sa isang doctor. Naging masaya sa umpisa,ngunit ng katagalan ay nagbago ang pakikitungo sa kanya ng asawa ng doctor. Di naglaon ay nalaman niyang pinagseselosan pala siya ng asawa dahil sa narinig niyang pagtatalo ng mag-asawa. Isang taon lang si kris sa kanila ay nagpasiya na siyang lumipat ng tirahan. Muli namasukan siya sa ibang bahay sa pamilya ng Guerra upang doon ay ipagpatuloy niya ang 4th year high school. Sa pagtanggap nila kay kris ay bigla namang pagbabago ng ugali ng anak nilang panganay. Nagsimula ng magparinig ito araw man o gabi. Nagkakagulo na sa bahay,gusto ng umalis ni kris sa bahay na iyon ngunit pilit parin siyang pinaglalaban at doon gustong patirahin ng sariling amo. Sa pagkakataong iyon ay naisip ni kris na kong may diyos ba talaga? Kung meron ay bakit ganoon ang dinaranas niya?



ME,WHEN I GRADUATED IN ELEMENTARY


            Makalipas ang ilang buwan lumala na ang kaguluhan sa bahay. Napilitan na ding ialik ng mag-asawang Guerra si kris sa mga magulang nito. Nangako naman ang mag-asawa na patuloy pa rin nilang susupurtahan si kris sa pag-aaral sapagkat awing-awa ang mga ito sa pamilya ni kris.
Kasalukuyang nag-aral ngayon si kris sa Col.Lauro D. Dizon National High School sa ikaapat na baiting. Kasalukuyan rin siyang naglilingkod at namamasukan sa pamilya Guerra  na kung saan ay may-ari ng lupa na inaalagaan ng kanyang ama ngayon.
            Maraming lugar na ang napuntahan ni kris. Sa tagaytay kung saan ay labis siyang namangha sa sobrang lalaki ng bahay na animoy palasyo. Halos lahat ng bahay ay bahay bakasyunan lamang. Sa vigan naman nagbakasyon ang dating amo niya at nagpasyang isama siya. Maraming tanawin ditto at mga bahay na sinauna. Nakita rin niya ang pinaghihimlayan ng dating yumaong presidente ng pilipinas na si Ferdinand Marcos. Naroon pa ang labi nito at parang manikin lamang ngunit tunay ito at naka wax ang katawan. Sa pagudpod doon ay isinama din siya at naglangoy sa white sandbeach. Sa Maynila na kung saan ay maraming mayayamang pamilya ang nakasalamuha at nakilala niya. Sa mulanay,ditto naman ay napasama siya sa isang crusade,tumagal sila ng isnag buwan at sa lahat ng oras na iyon ay ibinigay niya ang buhay sa diyos, naglingkod at nagpagamit sa diyos sa pamamagitan ng pag-awit at pagsayaw. Sa guisguis, dito naman nagkaroon ng kasiyahan sapagkat kasama niya ang mga kapatid sa pananampalataya. Sumisid sa pusod ng dagat na pinaka-challenge sa kanya.. nakita niya ang mga lamang dagat at napakaraming malls ditto sa pilipinas na kanyang narating.

AGAIN,ITS ME SO PRETTY GIRL,T'WAS JS PROM


            Salamat sa mga karanasan ang nasambit ni kris, kundi dahil dito ay lalakas ang loob niya at magpupursige sa buhay. Salamat din sa diyos sapagkat tunay siyang kaibigan na di- nangiiwan. Mga kapatid ang pagsubok ay ating lampas an at paka-tatandaan na ang buhay ay maikli lamang kaya gumawa tayo ng naayon sa kalooban ng diyos.